Sanggol nilunod sa timba
INFANTA, QUEZON, Philippines - Patay na ng matagpuan ang isang walong araw pa lamang na kasisilang na sanggol matapos na lunurin sa timba ng sarili nitong ina sa Brgy. Poblacion, kamakalawa ng umaga. Hindi tinukoy sa ulat kung ang sanggol ay babae o lalaki samantalang nasa kustodya ngayon ng Municipal Police Station ang suspek na pansamantalang itinago sa pangalang Lyka, 19 anyos. Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10 ng umaga ay nawala ang sanggol sa kinahihigan nitong papag at nang hanapin ay nakita itong nakasilid sa timba ng puno ng tubig at wala ng buhay. Bago ang pagkakatuklas sa sanggol ay huli umano itong nakitang kinuha ng kanyang ina habang nakahiga at kinakitaan na ang suspek ng sintomas ng pagkabaliw.
- Latest