^

Probinsiya

Grenade blast: Chairman, misis utas

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines –  Patay ang isang Barangay Chairman at asawa nito samantalang sugatan naman ang 2 iba pa matapos sumabog ang isang granada sa loob ng sasakyan ng mga ito sa bayan ng Laurel kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ni Senior Superintendent Omega Jireh Fidel, Batangas Police Director, ang mga nasawing sina Chairman Nestor Rodriguez ng Brgy. Buso-buso, Laurel, Batangas at asawa nitong si Eusebia.

 Magkasunod na namatay ang mag-asawang Rodri­guez sa Mercado Hospital sa Ta­nauan City matapos magtamo ng mga sugat sa katawan dahil sa mga shrapnel mula sa granada .

 Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang mga sugatang sina dating Brgy. Councilor at Acting Tanod Chief Jaime Sarmiento at ang negosyanteng si Maximo Sarmiento dahil sa mga tinamong mga sugat sa katawan.
Ayon sa report, kagagaling lang ng mga biktima sa bahay ni Laurel Mayor Randy James Amo sa Brgy. Gulod at papauwi na sakay ng isang L-200 pick-up (DSZ-276) nang bigla na lamang  sumabog ang eksplosibo bandang alas-11:15 ng gabi
Sinisilip naman ng mga imbestigador ang pulitika at negosyo bilang posibleng motibo ng pamamaslang sa mga biktima.

Natukoy naman  na isang M67-A1 fragmentation grenade ang sumabog na eks­plosibo. Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya.

vuukle comment

ACTING TANOD CHIEF JAIME SARMIENTO

BARANGAY CHAIRMAN

BATANGAS POLICE DIRECTOR

BRGY

CHAIRMAN NESTOR RODRIGUEZ

LAUREL MAYOR RANDY JAMES AMO

MAXIMO SARMIENTO

MERCADO HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with