Sereno: Imbestigasyon sa pagpatay sa Zambo judge madaliin
MANILA, Philippines – Pinabibilisan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang imbestigasyon sa pagpatay sa isang hukom sa Zamboanga City ngayong Biyernes.
Nais ni Sereno na madakip at mapanagot kaagad ang pumasang kay Judge Reynerio Estacio ng Zamboanga City Regional Trial Court branch 14.
"I am asking the law enforcement offices to act swiftly in getting to the bottom of this incident and to hold the person or persons accountable for this criminal act," pahayag ni Sereno.
Kaugnay na balita: Hukom itinumba ng tandem sa Zambo
Tinambangan si Estacio sa harap ng kanilang bahay habang kasama ang asawa sa loob ng sasakyan.
Tiniyak din ni Sereno ang tulong na ipaaabot sa mga naiwan ni Estacio.
"We will look into ways of protecting our judges and looking after their families."
- Latest