^

Probinsiya

Nairita sa pakikipag-agawan sa remote control, bunso pinatay ni kuya sa harap ng ina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa agawan ng remote control ng telebisyon sa kaniyang ina, sinaksak at napatay ang 21-anyos na estudyante ng kanyang kuya sa harap ng kanilang ina kamakalawa ng gabi sa bayan ng Molave, Zamboanga del Sur.

Naisugod naman ang biktimang si Jonathan Bernido sa Igano Medical Center subalit hindi na ito umabot ng buhay matapos na mapuruhan ng tama ng saksak sa tiyan.  

Sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Michael Bernido, 23, may-asawa at kapwa nakatira sa Purok Lili, Barangay Bogo Capalaran sa bayan ng Molave.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-7:15 ng gabi sa loob ng bahay ng  pamilya Bernido.

Nabatid na nanonood sa telebisyon ang biktima kasama ang kanyang ina nang biglang magtalo ang mga ito.

Nag-agawan sa remote control ng telebisyon dahil sa magkaibang programa ang nais nilang mapanood.

Nasaksihan naman ito ng suspek na hindi natiis na nakikipag-agawan ng remote control sa kanilang ina ang bunsong kapatid kaya nagdilim ang paningin nito na walang sabi-sabing kumuha ng patalim at itinarak sa biktima.

vuukle comment

BARANGAY BOGO CAPALARAN

BERNIDO

CAMP CRAME

DAHIL

IGANO MEDICAL CENTER

JONATHAN BERNIDO

MICHAEL BERNIDO

NABATID

NAISUGOD

PUROK LILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with