90-anyos na lolo pinugutan ng ulo
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng anggulo umano ng alitan sa lupa matapos na pugutan ng ulo ang isang lolo ng hindi pa nakilalang mga salarin sa maisan nito sa Sitio Bugtong Narra, Brgy. Tupang, Alcala, Cagayan kamakalawa.
Kinilala ni Sr. Insp. Dennis Pamor, hepe ng pulisya sa bayang ito ang biktima na si Pablo Pillos na sinasabing naiwan lamang mag-isang nagbabantay sa kanyang maisan bagama’t mayroon itong sariling bahay sa Brgy. Centro Sur sa naÂsabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, may nakakita sa mga suspek na kinilalang sina Tirso Bristol at Robert Pillos, kamag-anak ng biktima na bumili pa ng Ginebra sa tindahan ni RoÂnald de los Santos bago ang mga ito naglakad patungo sa kinaroroonan ng kubo ng matanda. Sinabi naman ng kapitbahay ng biktima na si Sixto Pagadduan, 95-anyos, dalawang lalaki ang nakita niyang lumabas sa kubo ng matanda noong gabing maganap ang krimen.
Samantala, ang nakitang dalawang bote ng Ginebra na may bahid pa ng dugo ay pinaniniwalaang siyang binili ng mga suspek sa tindahan.
Nabatid pa na may tiÂlamsik din ng natuyong dugo ang pantalon ni Bristol nang anyayahan ito sa presinto. Narekober din mula sa mga ito ang gulok na pinaniniwalang ginamit sa brutal na pagpatay sa maÂtanda.
- Latest