^

Probinsiya

Lider ng sekta nag-amok, sinunog ang sarili

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines — Pinaniniwalaang naburyong sanhi ng matinding depresyon ang isang dating sundalong naging lider ng sekta ng “Salita ng Diyos” makaraan itong mag-amok na nag-suicide pa sa loob ng  bahay ng isa nitong miyembro na sinunog nito sa Dasmariñas City, Cavite nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rafael Policarpio, 59-anyos, retiradong Major at isang lider ispiritwal sa Cavite na naninirahan sa San Pedro, Laguna.

Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Joselito Esquivel, naganap ang insidente sa bahay ng isang kasekta sa relihiyon ni Policarpio sa Boston Street, South Extension, San Marino Subdivision, Brgy. Salawag ng lungsod dakong alas-8 ng gabi.

Bago ang insidente ay nag-amok ang biktima ga­mit­ ang isang cal. 38 Arms­cor saka nagkulong sa bahay­ ng miyembro nilang si Asuncion Santiago at nagsimula na umanong magpaputok ng baril.

Nagawa namang makatakbo ni Santiago bitbit ang dalawa nitong anak na iniwan si Policarpio sa loob ng kanilang tahanan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Paulo Figueroa, sini­mulan ding sunugin ng biktima ang ilang mga ka­gamitan sa loob ng 3-storey na bahay ng ginang hanggang sa magresponde ang mga elemento ng pulisya at ng Bureau of Fire Protection (BFP) na tinangkang ma­kipagnegosasyon upang pa­sukuin ang desperadong lider ng sekta.

Nang balutin ng apoy ang buong kabahayan ay inapula ito ng mga bumbero at ilang saglit pa ay na­tagpuan ang halos natustang bangkay ng biktima na nakulong  sa sunog. Ang kasong ito ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad.

 

vuukle comment

ASUNCION SANTIAGO

BOSTON STREET

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

JOSELITO ESQUIVEL

PAULO FIGUEROA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with