^

Probinsiya

Pamangkin ng ex-ARMM PNP chief kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang dalagang pamangkin ng retiradong hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) PNP sa Barangay Mercedes, Zamboanga City, Zamboanga del Sur noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Sabrina Ikbala Bon, pamangkin ni ex-ARMM PNP director P/Chief Supt. Sukarno Ikbala.

Sa phone interview, sinabi ni P/Chief Inspector Ariel Huesca, naganap ang pagdukot sa kahabaan ng Pohoc Drive dakong alas-11 ng gabi.

Napag-alamang kinaladkad ng mga armadong kalalakihan ang biktima saka isinakay sa puting van (GPH-581)  bago isinakay sa pump boat patungo sa karagatan ng Mulu-Muluan Island.

Narekober naman ng mga operatiba ng pulisya at militar ang getaway vehicle na inabandona ng mga kidnaper sa bahagi ng Interior Dungkaan, Sitio Gapo sa Barangay Talabaan.

Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang militar gamit ang mga naval assets at maging ang elite forces ng PNP upang iligtas ang bihag.

Samantala, hinihintay pa ng pamilya ng biktima na kumontak ang mga kidnaper.

 

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY MERCEDES

BARANGAY TALABAAN

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

CHIEF SUPT

INTERIOR DUNGKAAN

MULU-MULUAN ISLAND

MUSLIM MINDANAO

SABRINA IKBALA BON

SITIO GAPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with