^

Probinsiya

Iranian pinatay dahil sa utang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi pagbabayad kaagad ng utang, napaslang ang 27-anyos na Iranian nursing student  matapos itong pagsasaksakin  ng kapwa Iranian sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Pangasinan PNP spokesman P/Chief Inspector Ryan Manongdo ang biktimang si Bagher Nasserosta na napuruhan  sa dibdib at idineklarang patay sa Decena Hospital sa Bonuan Gueset.

Samantala, naaresto naman ang suspek na si Afshin Mamdavi, 38.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa Rayos Apartment ng biktima sa Barangay Bonuan Gueset sa nasabing lungsod.

Nabatid na ang biktima ay may utang sa suspek na nairita matapos itong hindi kaagad bayaran kung saan humantong sa pananaksak.

Inihayag naman ni Dagupan City PNP Chief P/Supt Christopher Abrahano na sinampahan na kahapon ng kasong murder ang suspek.

 

AFSHIN MAMDAVI

BAGHER NASSEROSTA

BARANGAY BONUAN GUESET

BONUAN GUESET

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR RYAN MANONGDO

CHIEF P

DAGUPAN CITY

DECENA HOSPITAL

PANGASINAN

RAYOS APARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with