^

Probinsiya

Miyembro ng BIFF utas sa engkwentro sa Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang arestado ang isa pa matapos ang naudlot na pambobomba sa Carmen, North Cotabato ngayog Lunes.

Nakilala ang nasawing suspek na si Tangtang Tahir, 30, na kaagad binawian ng buhay matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga awtoridad.

Sakay ng motorsiklo si Tahir at kasamahan niyang si Nano Ampit nang maharang ng mga sundalo at pulis sa isang checkpoint sa Barangay General Luna sa Carmen.

Pumalag si Tahir at naghagis ng granada sa mga awtoridad ngunit pumalya ito at hindi sumabog.

Dahil dito ay nauwi sa palitan ng putok ang insidente na ikinasawi ni Tahir. Kusang sumuko si Ampit nang makita ang duguang kasama

Kinukuhaan na ng impormasyon ng mga awtoridad si Ampit na nakakulong sa Carmen municipal police.

Bago pa ang insidente ay kabilang sina Tahir at Ampit sa mga pinaghahahanap ng mga awtoridad dahil sa pangingikil sa lugar.

AMPIT

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY GENERAL LUNA

DAHIL

KINUKUHAAN

KUSANG

NANO AMPIT

NORTH COTABATO

TAHIR

TANGTANG TAHIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with