2 turista ginulpe sa Boracay
MANILA, Philippines - Gulpi-sarado ang inaÂbot ng dalawang dayuhan matapos kuyugin at hatawin ng bote ng alak ng dalawang kalalakihan sa bahagi ng Boracay Island sa bayan ng Malay, Aklan noong BiÂyernes ng madaling-araw.
Kinilala ang mga naÂsugatan na sina Stefan Raphe Linder, 26, Swedish at Maria Rizanova, 26, Russian at mga turista sa naÂsabing pamosong isla.
Samantala, arestado naman ang mga suspek na sina Bernard Cabanus, 23; at Joseph Gregorio, 21.
Sa ulat ng Boracay Tourist PNP, naganap ang insidente sa loob ng BoraÂcay Regency Resort Juice Bar sa Barangay Balabag dakong alas-3:40 ng madaÂling-araw.
Ayon sa imbestigasyon, nakaupo ang dalawang biktima sa naturang bar nang lapitan ng dalawang suspek at bigla na lamang paghahatawin ng bote ng alak kasunod nito ay pinagsusuntok at pinagsisipa.
Agad namang isinugod sa Ciriaco Tirol Hospital ang mga biktima habang inaresto naman ng mga operatiba ng pulisya ang mga suspek.
Kasalukuyang nakaÂdetine sa himpilan ng pulisya ang mga sigang suspek na ipinagharap na ng kasong kriminal ng dalawang dayuhan.
- Latest