Ama ng comedian na si Jeffrey Tam, pinisak sa sagasa
MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kamatayan ng ama ng comedian/magician na si Jeffrey Tam matapos itong paulit-ulit na sagasaan upang tiyakin na hindi na mabubuhay pa nang mabundol sa Provincial Road, Brgy. Tongko, Tayabas City, Quezon kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Alfredo Francisco Tam, 67 anyos, negosÂyante, residente ng Capitol Homesite Subdivision, Brgy. Cotta, Lucena City.
Sa ulat ng Quezon Police, isang tinukoy sa pangalang Gng. Encanto ang tumawag sa Tayabas City Police at iniulat ang isang duguang bangkay ng matandang lalaki na nakahandusay sa Provincial Road ng nasabing lugar.
Sa salaysay ng ginang, dakong alas-10 ng gabi ng makita nito ang isang kulay dilaw na SUV Isuzu Crosswind na walang plaka na nakaparada sa kanang bahagi ng nasabing highway na nakaharap sa direksyon patuÂngong Tayabas City.
Ilang saglit pa ay bigÂlang pumihit ang nasabing SUV sa kaliwang bahagi ng kalsada na sinundan ng pasulong at paatras nito na sobrang ingay umano na nasilip pa niya mula sa bintana ng kanilang tahanan.
Sinabi ng ginang na ilang minuto pa ay humarurot na patungo sa direksyon ng Lucena City ang behikulo kung saan laking gulat nito ng makita ang duguang matanda na nakahambalang sa kalsada.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Tayabas City Police ay kinakitaan ng mga bakas ng dugo mula sa gulong ng sasakyan ang kalsada kaya may teorya na matapos aksidenteng masagaÂsaan ay pinagulungan pa ng ilang ulit ng driver ng behikulo ang matanda upang tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa.
Patuloy naman ang imÂbestigasyon upang matukoy at mapanagot sa batas ang tumakas na driver.
- Latest