^

Probinsiya

Lady trader dinukot ng Sayyaf

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babaeng negosyante na nagmamay-ari ng mga pampasaherong barko ang dinukot ng mga hinihinalang miyem­bro ng grupong Abu Sayaff sa  loob ng tindahan nito  sa bayan ng Mapun, Tawi-Tawi.

Ayon kay Lt. Cmdr. Jomark Angue, commander ng Philippine Coast Guard Zamboanga Station, dakong alas-5:35 ng hapon nitong Biyernes  nang puwersahang dukutin ng mga armadong lalaki ang biktimang si Sugar  Esperanza Buenviaje mula sa kanyang tanggapan  sa  Barangay Liyubud Mapun, Tawi Tawi. Bigla na lamang umanong pumasok ang mga suspek sa tindahan ng biktima at saka siya puwersahang kinuha at isinakay sa isang pump boat na naghihintay sa hindi kalayuan at tumakas sa hindi pa malamang direksyon.

Ang dinukot na nasabing negosyante  ay  nagmamay-ari ng barkong M/L Sugar Dianne na may ruta sa lalawigan ng Tawi-Tawi, Sulu, Zamboanga City at Palawan.

Nagsanib puwersa na ang  PNP, Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang iba pang mga unit para sa isinasagawang search and rescue operation para sa biktima.  Ang isla ng Mapun ay malapit sa isla ng Sabah, Malaysia kaya inaalam pa rin ng mga awtoridad ang posibilidad na maaaring  doon dinala ang naturang biktima.

 

ABU SAYAFF

BARANGAY LIYUBUD MAPUN

ESPERANZA BUENVIAJE

JOMARK ANGUE

L SUGAR DIANNE

MAPUN

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE COAST GUARD ZAMBOANGA STATION

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with