Trahedya sa Mt. Province: 14 dedo, 31 grabe
CAGAYAN, Philippines - – Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang 14-katao kabilang ang komedyanteng si “Tado†habang aabot naman sa 31 ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa malalim na bangin sa Sitio Paggang, Barangay Talubin sa bayan ng Bontoc, Mt. Province kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Oliver Enmodias, naganap ang trahedya bandang alas-7:20 ng umaga matapos mahulog ang Florida Trans Bus Liner (TXT872) sa may 120 metrong lalim na bangin sa kahabaan ng Banaue-Bontoc Road sa nasabing barangay.
Kabilang sa mga namatay ay sina Alex Adres LoÂring ng Canada; Anne Van De Van ng Netherlands; Marcial Bernard Jr., Andrew David Sicam, Natividad Ngawa, Gerald Baja, Arvin “Tado†Jimenez, Ana Alaba at ang anim na bineberipika pa ang pagkakakilanlan.
Sugatang naisugod sa Bontoc General Hospital ang mga biktimang sina Annenwik Verwegen (Dutch); Alexander Longadey, 42, (driver); Aloy Atin, 24: James Papsao, 38; Carina Javier, 38; Basilan Miluardo Baranhuat, 43; Abegail Sicam; Edgar Ramon, 30; Robert Conrado, 45; Natty Bang-I, 57; Kristina de Leon; Christian Cavardo, 34; Bernard Burnhard, 25; Camille Osorio, 28; Melchor Suagen, 22; a certain Cudiamat, 27; Teresita Sawad, 51; Silvestre Dawey, 22; Agung Sicam, 7; Jerymiah Agnapan, 34; Winslaw Carino, 30; Michelle Legrito, 27; Don Chavez, 30; Jason Melchor, 38; Charlie Sta Maria, 32; Peng Cordove, 32; Olivia Aglipay, 27; isang alyas Ammik, 32; Estrella Embede; Demetria Danilo; at si Christian Sebrevilla.
Nabatid na nagmula ang nasabing bus na may lulang 45 pasahero sa Sampalok, Maynila patungong Mt. Province nang makasalubong ang trahedya.
Ayon kay P/Supt. Ramir Saculles, Mt. Province deputy police director for Operations, nagkalat ang duguang katawan ng mga biktima sa paligid ng baÂngin hanggang sa ibabang bahagi. Karamihan ay nagkagutay-gutay ang katawan dahil sa matinding pagbagsak ng bus.
Pinaniniwalaang masyadong malapit sa kurbadang kalsada ang nasabing bus habang ito ay bumabagtas paitaas kung saan sinasabing nagkaaberya sa makina partikular na sa preno. Dagdag ulat ni Artemio Dumlao
- Latest