^

Probinsiya

Sekyu, GRO ‘sinalvage’

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

CAGAYAN , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang 34-anyos na sekyu na sinasabing may nakabinbing kasong murder at kasama nitong guest relation officer (GRO) matapos patayin ay itinapon sa liblib na bahagi ng Barangay Namillangan, bayan ng Alfonso Lista, Ifugao kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Edgar Tapo, hepe ng Alfonso Lista PNP ang mga biktima na sina Franklin Ayap, sekyu sa construction site at residente ng Barangay San Fernando, ba­yan ng Alicia, Isabela; at Ivy Montoya, 23, nakatira rin nasabing bayan at tubong Pangasinan.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, huling nakitang buhay ang dalawa sa  bayan ng Alicia noong Pebrero 2. May mga tama ng bala ng baril sa ulo at kilikili ang mga biktima nang madiskubre sa nasabing lugar.

Sa pahayag naman ni P/Chief Insp. Edilmar Alviar, hepe ng Alicia PNP, si Ayap at ang utol nitong si Gregorio ay sangkot sa pagpatay kay Marianito Santiago na kawani ng National irrigation Admi­nistration.

 

vuukle comment

ALFONSO LISTA

ALICIA

BARANGAY NAMILLANGAN

BARANGAY SAN FERNANDO

CHIEF INSP

EDGAR TAPO

EDILMAR ALVIAR

FRANKLIN AYAP

IVY MONTOYA

MARIANITO SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with