^

Probinsiya

Granada nilaro: 1 patay, 4 grabe

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Nagkagutay-gutay ang katawan ng 29-anyos na miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit habang apat naman ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang granada na sinasabing pinaglaruan habang nag-iinuman sa Barangay Santiago, bayan ng Bato, Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Efren Bagasala Jr. habang naisugod naman sa Rinconada Hospital sina John Paul Dorot, 18; Ronel Manuel, 26; Christian Magalon, 21; at si Eliza Amparado, 20, pawang nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ramiro Bausa, magkakasamang nag-iinuman ang mga biktima sa bakuran ng bahay ni Eddie Pili nang ilabas ni Bagasala ang M203 granade kung saan pinaglaruan sa harap ng kanyang mga kainuman. Dahil sa senglot na si Bagasala ay nabitiwan nito ang hawak na granada kung saan sumabog.

vuukle comment

BAGASALA

BARANGAY SANTIAGO

CAMARINES SUR

CHRISTIAN MAGALON

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

EDDIE PILI

EFREN BAGASALA JR.

ELIZA AMPARADO

JOHN PAUL DOROT

RAMIRO BAUSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with