^

Probinsiya

Bala para sa ama sinalo ng anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaamba ang salubong ni kamatayan laban sa 4-anyos na totoy matapos na tamaan ng ligaw na bala na nakalaan para sa kaniyang ama sa bayan ng Kumalarang, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Patuloy na isinasalba ang buhay sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Feliciano Nemaria Jr. ng Purok Makuguihon, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na nakarating kay PNP regional spokesman P/Chief Inspector Ariel Huesca, naganap ang insidente sa loob ng palengke sa Barangay Poblacion dakong alas-4:50 ng mada­ling araw.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay kasama ng kaniyang ama na meat vendor sa palengke nang dumating ang di-kilalang lalaki kung saan pinuntirya ng pamamaril si Feliciano Sr.

Nagawa namang mailagan ni Feliciano Sr. ang nakaambang panganib pero aksidenteng tinamaan sa ulo ang kaniyang anak.

Gayon pa man, unang isinugod sa Kumalarang Health Unit ang biktima pero inilipat sa Pagadian City Medical Center dahil sa maselang kalagayan.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

AYON

BARANGAY POBLACION

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

FELICIANO NEMARIA JR.

FELICIANO SR.

GAYON

KUMALARANG HEALTH UNIT

PAGADIAN CITY MEDICAL CENTER

PUROK MAKUGUIHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with