Lider ng cybercrime group, arestado
MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng isang Chinese national na sinasabing lider ng cybercrime group makaraang masakote ng mga operatiba ng PNP Anti-Cybercrime Group 7 sa isinagawang operasyon sa Cebu City, Cebu noong Sabado ng hapon.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Reginald D. Villasanta, kinilala ang suspek na si Mei Yi, may-ari ng Filipina Heart Internet Consultant sa Calderon Compound, Barangay Banawa sa nasabing lungsod.
Arestado rin ang maÂnager ni Yi na si Joy Vitor kung saan nailigtas naman ang 13-katao kabilang ang pitong kababaihan habang nasamsam naman ang 35 computer sets at iba pang online equipment.
“We have busted a Chinese-led syndicate which arranges marriage of Filipinas to foreign clients thru the Internet. This is actually another version of a mail-order bride but this time, the syndicate is involved in trafficking of persons and attracts foreign clients by allowing them to view sexy photos of Filipinas for a fee,†paliwanag ni Villasanta.
“They allow their foÂreign clients, mostly businessman from Western countries to access their account and view sexy Filipina models. Once a client finds a prospective wife, the syndicate arranges his Philippine trip to meet his future wife in person,†ayon pa kay Villasanta.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act).
- Latest