^

Probinsiya

13 batang mandirigma patay sa bakbakan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa labintatlo sa kabuuang 53 napaslang na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay mga child warriors o mga batang mandirigma sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng rebeldeng grupo na nasa ika-5 araw na sa Central Mindanao.

Ayon kay Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division simula noong Enero 27  hanggang sa kasalukuyan ay naabot na sa 53 ang napapatay kabilang ang isang opisyal na si BIFF Commander Hassan Indal kung saan 52 sa kalaban at isa naman sa panig ng mga sundalo.

Samantala, aabot naman 62 ang nasugatan kabilang ang 49 sa BIFF fighters at 13 naman sa tropa ng pamahalaan simula noong Enero 27.

Gayon pa man,13 child warriors ng BIFF ang kabilang sa mga narekober na bangkay sa encounter site sa ilang bayan ng Maguindanao at Pikit, North Cotabato.

Inihayag ng opisyal na patunay lamang na ang pagkakarekober ng mga child warriors na tinatayang nagkakaedad  14-15 na ginagawang frontline sa sagupaan.

“They were child fighters because they were in fatigue uniform and they had firearms,” paliwanag pa ng opisyal.

Sa kabuuang 52 napatay na BIFF fighters ay 19 na ang natukoy ang pagkakakilanlan habang sa 49 nasugatan ay 12 naman ang nakilala na rin.

Bilang pagrespeto sa kultura ng mga Muslim ay hindi na nila hinukay pa ang mga bagong libing na BIFF members na nagkalat sa kagubatan.

Sa tala, ang BIFF ay breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) o grupong sumasabotahe sa peace talks ng pamahalaan sa grupo ni MILF Chairman Al Hadz Ibrahim Murad.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BIFF

CENTRAL MINDANAO

CHAIRMAN AL HADZ IBRAHIM MURAD

COMMANDER HASSAN INDAL

DICKSON HERMOSO

ENERO

INFANTRY DIVISION

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with