70 na patay kay 'Agaton'
MANILA, Philippines – Lumobo na sa 70 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Agaton, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction anad Management Council (NDRRMC) sa pinakabagong situational report na bukod sa mga kumpirmadong patay ay siyam na katao pa rin ang nawawala.
Dagdag ng NDRRMC na umakyat na rin sa 86 ang sugatan mula nang manalasa ng pinakaunang bagyo ngayong 2014.
Nasa 244,344 pamilya o 1,148,621 katao ang naapektuhan ni Agaton mula sa 118 bayan sa 16 probinsya ng Regions X, XI, XII, CARAGA at ARMM.
Mula sa naturang bilang ay 10,224 o 49.420 pamilya ang nananalagi sa 156 na evacuation centers.
Umabot na sa P566.7 milyon ang halaga ng pinsala ni Agaton, P273,6 milyon ay sa impastraktura at P293.1 milyon sa agrikultura.
Samantala, binabantayan ng ahensya ngayon ang epekto ng bagyong Basyang na huling namataan sa 768 kilometro silangan hilaga-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas-4 ng umaga.
Kaugnay na balita: lumalapit, signal #1 sa Leyte at iba pa
Nakataas ang signal no. 1 sa katimugang bahagi ng Samar, katimugang bahagi ng Eastern Samar, Leyte kabilang ang Biliran, Southern Leyte, Camotes Island, Cebu, Negros provinces, Siquijor Island, at Bohol.
Kabilang din sa public storm warning signal ang Surigao del Norte kabilang ang Siargao Island, Surigao del Sur, hilagang bahagi ng Agusan del Sur, Agusan del Norte, Camiguin Island, Dinagat Province at Misamis Oriental.
- Latest