^

Probinsiya

Barangay treasurer nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 46-anyos na barangay treasurer matapos itong ratratin ng mga armadong lalaki  sa harap ng kanyang mister sa Purok San Francisco, Barangay Igat sa bayan ng Margosatubig, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga.  Napuruhan sa ulo ang biktimang si Mercedita Heyrana ng Barangay Limbatong sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni PNP regional spokesman P/Chief Inspector Ariel Huesca, magkaangkas sa motorsiklo ang biktima at ang mister nitong si Jimuel Heyrana nang harangin ng mga armadong lalaki kung saan pinababa sa motorsiklo ang babae. Kasunod nito ay agad binaril sa ulo ang biktima kung saan nagawa namang makaligtas ng mister matapos nitong paharurutin palayo ang motorsiklo. Kabilang sa anggulong sinisilip ng pulisya ay ang posisyon ng biktima sa kanilang barangay.

vuukle comment

BARANGAY IGAT

BARANGAY LIMBATONG

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

JIMUEL HEYRANA

KABILANG

KASUNOD

MARGOSATUBIG

MERCEDITA HEYRANA

NAPATAY

PUROK SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with