^

Probinsiya

Chop-chop na lalaki natagpuan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Mga putul-putol na bahagi ng katawan ng isang lalaki ang natagpuan ng mga nagdya-jogging sa kahabaan ng Provincial Road, sakop ng Barangay General Ricarte, sa bayan ng Llanera ng lalawigang ito, noong Biyernes.

Sa ulat ng Llanera Police, natagpuan ang mga putol na bahagi ng katawan ng tao, bandang alas-6:40 ng umaga noong Biyernes. Agad na nagpalabas ng flash alarm ang pulisya.

Noong Enero 25, isang Angelito Areola, 71-anyos, ng Brgy. Gen. Luna ng nasabing bayan, ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at sinabing sa anak niya ang mga putol na bahagi ng katawan, batay sa personal belongings na nakita rito.

Dahil dito, kinilala ng pulis­ya ang biktima na si Cornelio Areola, alyas Arnel, 44-anyos, binata at dealer-coordinator ng Cignal Digital TV at ahente ng Smart Money and Smart Communications, Inc., sa Cabanatuan City.

 

vuukle comment

ANGELITO AREOLA

BARANGAY GENERAL RICARTE

BIYERNES

CABANATUAN CITY

CIGNAL DIGITAL

CORNELIO AREOLA

LLANERA POLICE

NOONG ENERO

PROVINCIAL ROAD

SMART MONEY AND SMART COMMUNICATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with