Karate instructor kinatay, ibinaon
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Brutal na pamamaslang ang sinapit ng 55-anyos na karate instructor matapos itong pagtatagain ng mga di-kilalang lalaki saka ibinaon sa mababaw na hukay sa liblib na bahagi ng Barangay Quinuartilan, bayan ng Camalig, Albay kamakalawa ng hapon. Nadiskubre ng ilang residente ang bangkay ni Manuel Revilla matapos lumitaw ang dalawang paa nito sa hukay bandang alas-4:20 ng hapon. Lumilitaw na hindi na nakauwi ang biktima mula sa pagbisita nito sa isang kaibigan sa nasabing bayan habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest