Dalaga inutas ng karibal sa pag-ibig
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang lupit ng love triangle ang isa sa motibo kaya niratrat at naÂpatay ang 34-anyos na dalaga ng dalawang armadong lalaki sa Barangay Bogaoan, San Carlos City, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Marilou Camilet na nakatira sa Metro Manila at 4-buwang nagbabakasyon sa bahay ng kapatid nitong si Marilyn Camilet.
Sa ulat ng San Carlos City PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa tindahan ng kapatid nito dakong alas-7: 22 ng umaga.
Nabatid na nasa loob ng tindahan ng kaniyang kapatid ang biktima nang biglang dumating ang dalawang di-kilalang lalaki na bumaba sa pulang Toyota Innova at nagpanggap na bibili.
Dito na umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril kung saan napasugod naman ang kapatid ng biktima.
Namataan naman ni Marilyn ang isang alyas Julie na nakaupo sa passenger seat ng sasakyang ginamit na getaway vehicle ng gunmen.
Sinasabing ang nasabing alyas Julie ay kaagaw sa pag-ibig ng biktima habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest