^

Probinsiya

3 dedo sa landslide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang 9-anyos na totoy ang namatay matapos na matabunan ng gumuhong bundok sa magkahiwalay na landslide dulot ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa Agusan del Sur  kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay PNP regional spokesman P/Supt. Martin Gamba,  naunang nilamon ng landslide ang biktimang si Ceferino Garcia, 62, ng Purok Loring Bentilasion, Sitio Tinago sa Brgy. Sta Cruz, bayan ng Rosario.

Bandang alas-7:30 ng umaga nang matabunan ng gumuhong bundok ang matanda habang tinatangka nitong iligtas ang anak na lalaki na nagmimina ng ginto sa bulubunduking bahagi.

Natabunan din ng gumuhong lupa ang minerong si Isagani Depillo sa Brgy. Sta Cruz.

Samantala, patay din ang 9-anyos na si Dominick Hatico matapos matabunan ng gumuhong bundok ang kanilang tahanan sa Barangay Tinago, bayan ng Bunawan.

Nabatid na natutulog ang bata sa kanilang bahay habang naghahanda naman ng almusal ang pamilya nito nang sumalakay si kamatayan.

Nakaligtas ang pamilya ng batang naiwan matapos magtakbuhan ang kaniyang mga magulang at kapatid sa tindi ng malakas na dagundong bago ang landslide.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY TINAGO

BRGY

CEFERINO GARCIA

DOMINICK HATICO

ISAGANI DEPILLO

MARTIN GAMBA

PUROK LORING BENTILASION

SITIO TINAGO

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with