Lady colonel binaril sa gitgitan sa trapiko
MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikiÂpagÂlaban kay kamatayan ang isang lady colonel ng National Capital Region Police Office matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki na sinasabing nakagitgitan ng sasakyan nito sa Calamba City, Laguna kahapon ng umaga.
Sa phone interview, kinilala ni Laguna Provincial Director P/Senior Supt. Pascual Muñoz, ang biktima na si P/Supt. Vilma Sarte ng Finance Department ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Naganap ang insidente bandang alas- 8:20 ng umaga sa intersection ng Barangay Canlubang bago sumapit ng Silangan exit sa South Luzon Expressway.
Ang biktima na patungo sana sa NCRPO ay nagtamo ng tama ng bala sa leeg, ilong na naglagos sa teynga kung saan naisugod naman sa Calamba Doctors Hospital dakong alas-11 ng tanghali ni P/Chief Insp. Jericho Cordero ng Crime Laboratory na nagkataong napadaan sa nasabing lugar.
Nabatid na bumaba si Sarte sa kaniyang Toyota Altis (XGM 149 bunga ng insidente at nakatayo sa kalsada na may 15 metro ang layo sa kaÂniÂyang sasakyan nang pagbabarilin ng gunman.
Sa paglalarawan ng mga testigo, abuhin ang sasakyan ng gunman na posibleng Adventure o Toyota na walang plaka at may MPD plate sa unahan habang narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest