Killer ng radio reporter, dakma
BATAAN , Philippines – Natapos ang pitong taon pagtatago sa batas ng 57-anyos na itunurong pumatay sa isang radio reporter matapos itong maaresto ng mga operatiba ng pulisya kahapon ng umaga sa Barangay Poblacion bayan ng Morong, Bataan. Kinilala ni P/Senior Supt. Audie Atienza, Bataan PNP director, ang suspek na si Nestor Nazareno, anak ng dating alkalde sa nasabing bayan at miyembro ng New People’s Army. Sa ulat ni SPO3 Danny Nazareno, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Manuel Tan ng Regional Trial Court Branch 2, inaresto ang suspek sa pagpatay kay Gary Aquino noong Pebrero 2006 sa loob ng sabungan sa Barangay Poblacion. Si Aquino ay naging team leader ng DZRH Operation Tulong at naging miyembro ng Central Luzon Media Association CLMA.
- Latest