MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad na nakalagay sa LBC Express cargo makaraang sumailalim sa security screening sa Zamboanga International Airport kahapon ng umaga.
Sa ulat ni PNP regional spokesman P/Chief Insp. Ariel Huesca, nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-9, PNP-Special Action Force at Zamboanga City PNP ang 200 gramo ng shabu mula sa 8-karton ng arina at kape bandang alas-8:15 ng umaga na patungo sana sa Jolo Sulu kung saan isinakay sa PAL Express flt. 2P245.
Nabatid na nagmula pa sa Metro Manila ang droga kung saan ibiniyahe ng isang tinukoy na Absudahar Sabial Albi ng Gatchalian Subdivision sa Las Piñas City noong Linggo (Enero 12) na patungo sanang Jolo, Sulu nang maharang sa paliparan.
Lumilitaw sa imbestigasyon na napansin sa x-ray scan machine na may lumaÂlabas sa maitim na bahagi sa loob ng mga kahon ng forwarder.
Samantala, sinasabing naka-consignee naman ang shabu kay Nadzmer Muradjam ng Governor Fernandez Street sa Jolo.