^

Probinsiya

Driver patay sa P.5-M payroll robbery

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang kawani ng livestock company  habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan  makaraang pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan sa naganap na madugong payroll robbery  sa MacArthur Highway sa San Fernando City, Pampanga  kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Mt. Carmel Hospital ang driver na si Gabriel Comboy habang  sugatan naman sina Ferdinand Mon, security/bodyguard at Mhariel Tamundong–Soriano, liason officer na mga kawani ng Red Dragon Farm Feed Livestocks and Food Inc. sa Purok 5, Barangay Lara sa San Fernando City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lulan ang mga biktima ng Toyota Lite Ace (WSI 661) na may bitbit na P.5 milyong payroll mo­ney para sa  mga kawani at trabahador nang  harangin ng mga armadong lalaking sakay naman ng Nissan Sentra at motorsiklo.

Agad na pinaputukan ang sinasakyan ng tatlong kawani kung saan bagaman sugatan ang guwardiyang si Mon ay nagawa nitong makipagpalitan ng putok na ikinasugat ng isa sa mga holdaper.

Kasunod nito, umagaw naman ng atensyon sa pulisya kaya mabilis na rumesponde at nasakote ang sugatang suspek na si Ivan Perez, 38, ng JP Rizal, Makati City.

BARANGAY LARA

CAMP CRAME

DRAGON FARM FEED LIVESTOCKS AND FOOD INC

FERDINAND MON

GABRIEL COMBOY

IVAN PEREZ

MAKATI CITY

MHARIEL TAMUNDONG

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with