Life imprisonment sa 2 marijuana dealer ng Benguet
MANILA, Philippines – Himas rehas habambuhay ang dalawang marijuana dealer matapos desisyunan ng korte nitong kamakalawa ang kanilang kaso.
Bukod sa pagkakakulong, pinagbabayad ni Judge Francis Buliyat Jr. ng First Judicial Region’s Regional Trial Court branch 9 sa La Trinidad, Benguet sina Warton Fred at kasama niyang nakilala lamang sa pangalang “Matthew†ng tig-kalahating milyong piso.
Hinatulang guilty ni Buliyat ang dalawang tulak ng droga matapos makumpiskahan ng 17.60 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P440,000 apat na taon na ang nakararaan.
Pitong bloke ng marijuana ang bitbit ni Fred noong masakote, habang ang iba ay na kay Matthew na menor-de-edad pa lamang naang madakip.
Napag-alamanan din ng PDEA na kapatid ni Fred ang isang miyembro ng “Vegetable drug group†na si Pinrad Fred.
Ang Vegetable drug group ang nasa likod ng pagtutulak ng marijuana sa Benguet, Pangasinan, La Union, Tarlac, Bulacan, Pampanga at Metro Manila.
Nadakip ang nakatatandang Fred sa isang entrapment operation sa Rizal Park sa Baguio City kung saan nabawian siya ng 10 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P250,000.
Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang nakatatandang Fred noong Enero 26, 2010 at pinagbabayad ng P5 milyon.
- Latest