Salarin sa Cotabato school bombing 'di pa rin kilala
MANILA, Philippines – Wala pa ring ideya ang mga pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog sa loob ng paaralan sa Arakan, Cotabato na ikinasugat ng 26 katao nitong Linggo.
Sinabi ni Chief Inspector Rolly Oranza ng Arakan municipal police na hindi pa rin nila kilala ang naghagis ng granada habang inaapula ng mga estudyante, bumbero, tauhan ng barangay ang sunog sa isang dormitory sa Cotabato Foundation College Science and Technology (CFCST) sa Barangay Doroluman.
Kaugnay na balita: School campus binomba: 26 sugatan
Lumabas sa imbestigasyon na isang fragmentation grenade ang ginamit sa panggugulo at hindi improvised explosive device (IED).
Naniniwala ang mga imbestigador na iisa lamang ang may pakana ng sunog at nang paghahagis ng granada.
Noong nakaraang taon ay may nadisarmahang IED sa loob ng CFCST ang mga militar.
Naiulat na mayroong girian sa loob ng paaralan para sa pagkapangulo nito.
- Latest