Resthouse ng ex-mayor na isinabit sa NAIA 3 ambush, sinunog
MANILA, Philippines - Sinunog ng mga armadong kalalakihan ang resthouse ni dating Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Wilson ‘Kitty†Nandang, isinabit sa madugong ambush sa NAIA 3 kung saan apat ang napatay kabilang ang kalaban nito sa pulitika noong Disyembre 20, 2013.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame bandang alas-10 ng gabi kamakalawa nang sunugin ang resthouse ni Nanding sa Purok Nandang, Barangay Noburan, bayan ng Labangan.
Nadamay din ang apat pang mga katabing bahay na pag-aari nina Remedios Surdilla, Jaime Lumusad, Mary Jean Banagan at Florencia Cotongan.
Si Nandang ang itinuturong utak sa madugong NAIA 3 ambush na nagresulta sa pagkamatay ni Labangan Mayor Ukol Talumpa, asawa nitong si Lea at pamangÂking si Salipudin.
Namatay din sa ambush ang sanggol na si Philip Tomas Estuesta habang lima pa ang nasugatan.
Wala namang naitalang nasugatan sa naganap na sunog bagaman umaabot sa P2.5 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala.
Samantala, bago ang insidente ay binaril at napatay naman ng mga armadong lalaki ang caretaker ni Nandang na si Joy Ponce Selada, 25.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong rido at alitan sa pulitika.
- Latest