^

Probinsiya

Retiradong guro dinedo, ninakawan

Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  â€” Brutal na kamatayan ang sinapit ng retiradong guro matapos itong paslangin ay pinagnakawan pa ng pangkat ng Akyat-Bahay Gang kamakalawa ng gabi sa Purok 1, Barangay Iba sa bayan ng Hagonoy, Bulacan. Bandang alas-10 ng umaga kahapon nang matagpuan sa likurang bahagi ng kanyang bahay ang biktimang si Lucila Manila, 68, dating principal ng Teodora Cruz Elementary School sa Barangay San Miguel sa nabanggit na bayan. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rizalino Andaya, hepe ng Hagonoy PNP, isa sa kaanak ng biktima ang pumasok sa bahay para sunduin siya na dumalo sa kasalan ngunit bumungad ang duguang katawan nito. Ayon kay PO2 Michael Gutierrez, pinalo ng tabla sa mukha ang biktima saka binagsakan pa ng bato sa batok at tinakpan ng flywood. Sinisilip ang anggulong pagnanakaw dahil nawawala ang malaking halaga at mga alahas sa aparador kung saan ang biktima na sinasabing nagpapautang ay nag-iisa sa bahay.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

AYON

BANDANG

BARANGAY IBA

BARANGAY SAN MIGUEL

HAGONOY

LUCILA MANILA

MICHAEL GUTIERREZ

RIZALINO ANDAYA

TEODORA CRUZ ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with