^

Probinsiya

Waiting shed sinuyod ng kotse; 2 patay

Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines —Da­la­wang katao ang namatay habang tatlong iba pa ang nasa kritikal na kondis­yon makaraang sumalpok ang sinasakyan ng mga itong kotse sa isang waiting shed sa bayan ng Enrile, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Jaime La-llabban ng Enrile Police, ang mga nasawi na sina Kelly Rose Dalin ng Tugue­garao City at Christian Ange­lou Aggarao ng Enrile.

Nasa malubha namang kalagayan sina Vanessa Marie Makena, John Ed-ward Macapagal at ang driver na si Marvin Malana na mga residente sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa imbestigasyon, mas­yadong matulin ang pagpapatakbo ng sasakyan ng driver na si Malana sa pakurbadang kalsada bunsod upang sumalpok ito sa konkretong waiting shed sa Brgy. 2 ng bayang nabanggit.

Sa kaugnay ng balita, patay naman ang isang lalaking grasscutter at sugatan ang dalawa nitong kasamahan matapos masagasaan ng kotse sa kahabaan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sakop ng Malvar, Batangas  bandang alas-11:20 ng umaga.

 Base sa ulat ng Bata-ngas Police ang nasawing biktima ay nakilalang  si Mario Atienza, residente ng Barangay Maraouy, Lipa City at empleyado ng Ruth Chedy Industrial Sales and Services habang sugatan naman sina Danilo Mosca, 58 anyos at Bryan Lalog, 21; pawang ng Lipa City na isinugod na sa pagamutan.

 Ayon sa pagsisiyasat, binabagtas ng isang Toyota Vios (ZAN-778) ang kahabaan ng southbound lane ng StarTollway na mi­­namaneho ni Leoncio Ma­cadama, 59 ng Bacoor, Cavite nang mag-overtake umano ito sa isang sasak-yan at mawalan ng kontrol sa manibela na nagbunsod sa sakuna. (Raymund Ca-tindig/ Arnell Ozaeta)

 

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY MARAOUY

BRYAN LALOG

CHRISTIAN ANGE

DANILO MOSCA

ENRILE

ENRILE POLICE

LIPA CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with