Sanggol patay sa tigdas
QUEZON, Philippines - - Nakapagtala ang Lucena City Health Office ng isang kaso ng pagkamatay ng sanggol dahil sa sakit na tigdas nitong nakaraang linggo. Ayon kay Dra. Caridad Diamante, pansamantalang itinago sa pangalang Baby Thea ang biktima na ayon sa manggagamot ay namatay sanhi ng kumplikasyon sa sakit na pulmonya. Sa 33 barangay, ang barangay Isabang ang naitalang tumaas ang antas ng kaso ng tigdas na pinanggalingan ng biktima na pitong buwang gulang. Sa ngayon ay hindi naman masasabing alarming ang kaso ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng tigdas. Nagsasagawa na ng vaccination ang health office sa mga bata sa ibat-ibang barangay katuwang ang mga barangay health workers upang maÂhdalangan ang posible pang pagkalat ng nauusong sakit ngayon.
- Latest