Brgy. chairman itinumba
MANILA, Philippines - Napaslang ang beteranong barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaking lulan ng motorsiklo sa harapan ng sabungan kamakalawa ng hapon sa Barangay Halang, Calamba City, Laguna.
Kinilala si P/Senior Supt. Pascual Muñoz Jr., director ng Laguna PNP, ang biktima na si Chairman Dante Perez ng Barangay Kamaligan sa nasabing lungsod.
Pakay naman ng manhunt operations ang suspek na itinuro ng mga testigo na si Ronaldo Hedreydia ng Barangay Cuyab, San Pedro City, Laguna.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, pasakay na ang biktima sa kaniyang SUV na nakaparada sa parking area ng cockpit arena nang lapitan at ratratin ng tandem kung saan napuruhan sa ulo nasabing opisyal.
Kaagad na tumakas ang suspek patungo sa direksyon Barangay Lecheria kung saan natukoy naman ng parking boy na nakasaksi sa krimen at ng isa pang ginang na nagkataong nasa lugar.
- Latest