^

Probinsiya

Driver patay sa kalabaw, 1 pa grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan lamang sa lubid na tali ng isang nagwawalang kalabaw, isang driver ang nasawi habang grabe naman ang backrider nito matapos na bumaliktad ang sinasakyan ng mga itong motorskilo sa Brgy. Bunguiao, Zamboanga City kamakalawa ng tanghali.

 Kinilala ang nasawi na si Jaymin Francisco, idi­neklarang dead-on-arrival sa Zamboanga Medical Center sanhi ng pagka­bagok ng ulo nito.

 Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan  ang backrider nitong si Norvin Francisco na isa nitong kamag-anak na nagtamo naman ng malubhang sugat sa katawan sa insidente.

 Sa ulat ng Zamboanga City Police, dakong alas- 11 ng tanghali nang mangyari ang sakuna sa highway ng Sitio Manga sa Brgy. Bunguiao ng lungsod.

 Ayon sa imbestigasyon, itinali sa puno sa tabi ng highway ng may-ari ang alaga nitong kalabaw kung saan nang marinig ng nasabing hayop ang ingay at busina ng paparating na Honda (JL 6188) na minamaneho ni Jaymin. Biglang nagwala  ang kalabaw na tumawid sa highway kung saan napatid ng lubid nito sa leeg si Jaymin na nagbunsod  sa  malagim na sakuna.

 

vuukle comment

BRGY

BUNGUIAO

JAYMIN

JAYMIN FRANCISCO

NORVIN FRANCISCO

SITIO MANGA

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with