^

Probinsiya

Farm manager ni-rape slay

Pilipino Star Ngayon

Batangas, Philippines – Karu-mal­dumal ang sinapit na kama­tayan ng isang 26 anyos na farm manager na hinihinalang ginahasa muna bago pinagsasak-sak ng hindi pa nakilalang mga salarin na nadiskubre sa bayan ng Padre Garcia, Batangas nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Sr. Supt Omega Jireh Fidel, Batangas Police Director ang biktimang si Jackielyn Jose, Manager ng BMV Farm sa Barangay San Miguel, Padre Garcia.

 Ayon sa report, natagpuan ang hubo’t hubad na bangkay ni Jose sa loob ng banyo ng kanyang barracks bandang alas-5:45 ng umaga na may mga saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon naman kay SPO1 Warren Atienza, imbestigador sa kaso bagaman may indikasyong hinalay ang biktima ay kailangan muna itong isailalim sa forensic examination upang mabatid kung positibo ito.

Ang biktima ay nabigong makauwi sa kanilang taha­nan nitong Biyernes ng gabi matapos na magtungo sa nasabing farm.

 May teorya ang mga pulis na posibleng pagnanakaw ang motibo ng mga suspek matapos malimas ang laptop, cell phone at P5,000 cash mula sa biktima.

Nabatid kay Padre Gar­­­­cia Police Chief Senior Ins­pector Joel Ilagan, may humigit kumulang sampung katao na ang kanilang inimbestigahan at kinunan ng mga salaysay para mabigyang linaw ang insidente. (Dagdag ulat ni Joy Cantos )

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN MIGUEL

BATANGAS POLICE DIRECTOR

JACKIELYN JOSE

JOEL ILAGAN

JOY CANTOS

PADRE GAR

PADRE GARCIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with