^

Probinsiya

2014: ‘Albay Boom’ mula sa ‘Albay Rising’

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines - Puspusang pinupursigi na ngayon ng Albay ang “development thrust” nito at ikakambiyo na sa “explosive Albay Boom mode” ang umiiral nitong bat­­t­lecry na ‘Albay Rising­.’ Suportado ang kilos at layuning ito ng P2.243 bilyon para sa mahaha­lagang imprastraktura para sa kumprehensibong tou­­rism program ng lalawigan.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, target ng lalawigan ang tunay na “Tourism Boom; Arts, History and Culture Re­nai­ssance; productive agri­culture, infrastructure mo­dernization; single digit malnutrition, 2014 Palarong Bicol championship, expandad Almasor Tourism Alliance” at pumasok sa Top 20 ng National Achievement Test ngayong taon at Top 10 sa 2016.

Inaasahan ni Salceda ang biglang paglago ng turismo ng lalawigan mula sa malaking bilang ng Chinese tourists na magsisimula ngayong buwan sa pagbubukas ng Albay International Gateway tu­ngo sa nakatalagang Asia Pacific Economic Cooperation (Apec) in 2016 na ang tatlong mi­nisterial meetings nito ay gaganapin sa Albay.

Gagamiting Interna­tional Gateway ang pina­unlad na Legazpi Airport kung saan ipatutupad din ang pinagkasuduan nang CIQS (customs, immigration, quarantine health, quarantine agriculture and security) program. 

Ang paunang 2014 target, ayon sa kanya, ay ang unang grupo ng mga Chinese tourists mula sa Xiamen na darating sa katapusan ngayong buwan sakay ng chartered flights na lalapag sa Albay International Gateway bilang pagbubukas sa 50,000 market ngayon taon, 80,000 sa 2015, 110,000 sa 2016 at 150,000 sa 2017.

ALBAY

ALBAY BOOM

ALBAY GOV

ALBAY INTERNATIONAL GATEWAY

ALBAY RISING

ALMASOR TOURISM ALLIANCE

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

GAGAMITING INTERNA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with