^

Probinsiya

Hostage drama: 5 todas, 10 sugatan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Lima-katao ang iniulat na napatay habang sampung iba pa ang sugatan sa naganap na madugong hostage drama sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Barangay New San Roque, bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga napatay ay sina Expidito Zepeda, Victor Zepeda, Charmane Zepeda, Emily Nacario at si Anthony Zepeda, 35, hostage-taker na nagbaril sa sarili matapos ang insidente sa loob ng kanyang bahay.

Sugatang naisugod sa  Bicol Medical Center ang mga biktimang sina Medelyn Milla, Mar Zepeda, Andrea Zepeda, Edricson Amorao, Rubiliyn Adesas, Rene Bisencio, Angelo Gallardo, PO3 Jose Benito, Jesus Gacosta, at si Ramon Fernandez.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ramiro Bausa, naganap ang insidente sa bahay ng pamilya Zepeda kung saan gumamit ng cal. 45 pistol si Anthony pagsapit ng alas-8:30 ng umaga.

Nabatid na dumating sa bahay si Anthony saka hinostage ang mga biktima subalit nakatunog ang ilang kapitbahay kaya huminggi ng tulong sa mga awtoridad kung saan naganap ang pakikipagnegosasyon.

Gayon pa man, lalong nagwala si Anthony at pinagbabaril ang mga biktima kung saan ang ilan sa mga ito ay tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay para iwasan si kamatayan.

Nagbaril naman sa sarili at namatay ang hostage-taker kung saan habang kinukuha ang mga bangkay sa loob ng bahay ay biglang sumabog ang granada sa kinuupuan ni Anthony kaya nasugatan sina PO3 Benito at ang dalawang tauhan ng puneraria na sina Gacosta at Fernandez. Pinaniniwalaang may kinakaharap na matinding problema sa pamilya ang hostage-taker kaya naganap ang insidente.

vuukle comment

ANDREA ZEPEDA

ANGELO GALLARDO

ANTHONY ZEPEDA

BAGONG TAON

BARANGAY NEW SAN ROQUE

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

CHARMANE ZEPEDA

EDRICSON AMORAO

EMILY NACARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with