^

Probinsiya

7 patay sa Sayyaf New Year’s eve bombing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito-katao ang iniulat na namatay habang lima naman ang nasugatan sa ginawang pambobomba ng mga bandidong Abu Sayyaf Group malapit sa  simbahan sa pagsalubong ng Bagong Taon kamakalawa ng gabi sa Barangay Tumahubong, bayan ng Sumisip, Basilan.

Sa phone interview, sinabi ni Army’s 104th Infantry Brigade at Task Force Basilan Commander Col. Carlito Galvez, lima ang inisyal na namatay pero dalawa pa ang namatay sa pagamutan kahapon ng umaga.

Kabilang sa limang unang namatay ilang minuto matapos ang pagsabog  ay sina Rey Limben, Kitarul Kaddik, Leniebel Cisneros, Lourdes Ablong,  Elbert Gomoba habang ang dalawang iba pa  na namatay na rin sa Zamboanga City Hospital kahapon ng umaga ay sina  Elbert Gomoba Jr., at Jessa Dingkong.

Sugatan naman sina Janice Dingcong, Rening Dingcong at tatlong iba pa kabilang ang dalawang menor-de-edad.

Naganap ang pagsabog bandang alas-10 ng gabi sa  mataong komunidad malapit sa Vicente Parish Church sa Barangay Tumahubong.

Nabatid na itinanim ang improvised explosive device may ilang metro ang layo sa bahay ni Wikwik Haison, driver ng kura paroko sa basketball court kung saan nagkataong nagsasaya ang mga residente habang naghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Nabatid na inakala ng mga residente na paputok lamang ang sumabog suba­lit nagulantang ang mga ito ng madiskubreng bomba ang sumambulat habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ABU SAYYAF GROUP

BAGONG TAON

BARANGAY TUMAHUBONG

CARLITO GALVEZ

ELBERT GOMOBA

ELBERT GOMOBA JR.

INFANTRY BRIGADE

JANICE DINGCONG

JESSA DINGKONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with