^

Probinsiya

Koreano utas sa itinatayong gusali

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   - Namatay ang 45-anyos na Koreano habang sugatan naman ang dalawang trabahador matapos mahulog sa ginagawang gusali ng Philippine Arena sa Barangay Duhat, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Mount Carmel Hospital ang biktimang si Kim Chei Yong, 45, supervisor ng Steellife Construction Company at nakatira sa Don Enrique Heights, Quezon City. 

Naisugod naman sa Saint Paul Hospital ang mga sugatang sina Carlo Quinton, 30; at Dante Alde, 43, kapwa nakatira sa Brgy. Graceville sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ferdinand Cabuhat, nagtratrabaho ang tatlo sa ginagawang Philippine Arena kung saan sumakay sa metal basket na naka­kabit sa crane upang ihatid sa ikinakabit na bubong ng gusali.

Gayon pa man, kumalas ang nakakabit na metal cable sa crane kaya nahulog ang mga biktima sa may siyam na metrong taas habang patuloy ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

BARANGAY DUHAT

BULACAN

CARLO QUINTON

DANTE ALDE

DON ENRIQUE HEIGHTS

FERDINAND CABUHAT

KIM CHEI YONG

MOUNT CARMEL HOSPITAL

PHILIPPINE ARENA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with