^

Probinsiya

Kemikal sa paggawa ng paputok, nasamsam

Tina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines- -- Aabot sa 53 kilo  na pulbura at kemikal sa paggawa ng iligal na paputok ang nasamsam sa bahay ng tatlong naarestong suspek sa Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Imus City police chief Supt. Redrico Maranan, dakong alas-8:00 ng gabi nang lusubin nila ang bahay ng mga suspek na si Percival Topacio at  magkamag-anak na sina Elmer at Conrado Saliva sa Brgy. Malagasang 1B.
 Bukod sa mga nasamsam na kemikal at pulbura, narekober din ang nasa 150 piraso ng iba’t ibang klase ng paputok na handa nang ibenta. Bukod pa sa libo pang piraso ang hindi pa natatapos.

Kabilang sa mga ito ang mga ipinagbabawal na Piccolo, plapla at time bomb. Sinabi ni Maranan na walang permit ang mga suspek sa pagbebenta ng mga paputok lalo na sa paggawa ng mga ito. Nakatakda ng sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.

 

vuukle comment

AABOT

AYON

BRGY

BUKOD

CAVITE

CONRADO SALIVA

IMUS CITY

PERCIVAL TOPACIO

REDRICO MARANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with