CAMARINES NORÂTE, Philippines — Tinatayang aabot sa P3 milyong halaga ng mga alahas mula sa safety vault ng Yamashita Pawnshop and Jewelry Store ang biglang nagÂlaho matapos nakawan ng mga miyembro ng Acytelene Gang ang Daet Elevated Plaza sa Lukban Street, bayan ng Daet, Camarines Norte noong araw ng Pasko.
Nadiskubre ang pagnanakaw matapos pumasok ang mga kawani ng nasabing pawnshop kahapon ng umaga.
Pinutol rin ng mga suspek ang CCTV camera ng naÂsabing pawnshop.
Nabatid na ang mga kawatan ay dumaan sa drainage na kahalintulad ng ginawang pagnanakaw sa apat na pawnshop sa Daet Elevated Plaza noong Marso 19, 2012.
Samantala, dinampot naman ang suspek na si Junel Mañago ng Purok 6, Brgy. Cobangbang dahil sa kahina-hinalang kilos kung saan nakumpiskahan ng apat na basyo ng bala cal. 38 revolver.
Tila isang malaking dagok sa bagong hepe ng pulisya na si P/Supt. Paul Abay ang naganap na panibagong nakawan dahil ang nasaÂbing pawnshop ay 10-metro lamang ang layo sa presinto ng PNP.