^

Probinsiya

Army Sgt. niratrat ng NPA rebels

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binistay ng bala ang isang bakasyunistang Army sergeant ng apat na armado na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng  New People’s Army (NPA) sa naganap na karahasan sa basketball court ng Brgy. Tubel, Allacapan, Cagayan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Major Emmanuel Garcia, Chief ng 1st Civil Military Operations (CMO) Group ng AFP Northern Luzon Command ang nasawing biktima na si Sgt. Edimar Binuya, miyembro ng Army’s 17th Infantry Battalion.

Kasabay nito, binatikos ni Garcia ang insidente dahilan sa umiiral na 26 araw na tigil putukan na idineklara ng pamahalaan sa hanay ng NPA rebels mula Disyembre 20 ng hatinggabi hanggang Enero 15 ng susunod na taon.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Allacapan Rural Health Unit ni Dr. Carlito Torido sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Garcia na ang biktima ay nakabakasyon at katatapos lamang maglaro ng basketball dakong alas-4:45 ng hapon sa gymnasium  ng Brgy. Tubel ng bigla na lamang  sumulpot ang mga suspect at pinagbabaril ito. Ang mga rebelde ay nagpanggap umanong manonood ng palarong basketball sa lugar at ilang saglit pa ay pinagbabaril ang biktima na nasapul ng mga tama ng bala sa katawan. Samantala,  mabilis namang nagsitakas ang mga rebelde na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

ALLACAPAN RURAL HEALTH UNIT

BRGY

CIVIL MILITARY OPERATIONS

DR. CARLITO TORIDO

EDIMAR BINUYA

GARCIA

INFANTRY BATTALION

MAJOR EMMANUEL GARCIA

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with