^

Probinsiya

Parak lasog sa motorsiklo ng 15-anyos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng mabangga ay nagulungan at  makaladkad pa ng motorsiklo na pinatatakbo ng isang 15- anyos na binatilyo sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Dansalan, Labason, Zamboanga del Norte nitong bisperas ng Pasko.

Kinilala ang nasawing biktima na si PO2 Glyn Daguplo, 28, aktibong miyembro ng Labason Police Station at residente ng Brgy. Malintuboan, Labason ng lalawigang ito.

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang binatilyong itinago sa pangalang Elmer at dalawa nitong backrider sa tinamong bahagyang sugat sa katawan.

Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang malagim na insidente sa nasabing highway dakong alas-10:10 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan si Daguplo ng kaniyang kulay asul na Honda XRM   motorcycle (JN-5028) nang salpukin ito ng Honda XRM (6641-JS)  na minamaneho ng binatilyong si Elmer.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog sa motorsiklo ang parak na minalas pang magulungan sa katawan at makaladkad pa ng ilang metro matapos na sumabit ang damit sa motorsiklo ng nasabing binatilyo.

Nagawa pang maisugod sa Liloy District Hospital ang nasabing parak pero idineklara na itong dead-on-arrival ng sumuri ritong si Dra. Juvylisa Asentista sanhi ng mga tinamong malulubhang sugat sa katawan. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

AYON

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

DAGUPLO

GLYN DAGUPLO

JUVYLISA ASENTISTA

LABASON

LABASON POLICE STATION

LILOY DISTRICT HOSPITAL

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with