2 patay sa bike crash
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Hindi na nakaabot ng Pasko ang dalawang sibilyan habang malubha naman ang isang Canadian national sa naganap namagkahiwalay na sakuna sa La Union at Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Alvin Llaneras, 21, ng Barangay San Carlos, bayan ng Caba; at Napoleon Limber Sr. ng Barangay Central East, bayan ng Bangar sa La Union. Lumalabas sa imbestigasyon na umagaw ng linya si Llaneras matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan nang makasalubong nito ang jeep ni Ramon Wilson Sanchez. Samantala, namatay din si Napoleon Limber Sr. matapos sumadsad ang kanyang motorsiklo sa mga tumpok ng hallow block sa Brgy Poblacion, bayan ng Sudipen, La Union. Malubha rin ang Canadian national na si David Frank Cayuri matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa tulay sa Brgy. Caoacan, Laoag City, Ilocos Norte.
- Latest