^

Probinsiya

Christmas party niratrat: 1 patay, 4 grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa halip na kasiyahan, nauwi sa madugong ba­ngungot ang Christmas Party ng organisasyon ma­tapos na mamaril ang isang lalaki kung saan nakapatay ng isa habang apat pa ang grabeng na­sugatan kahapon ng madaling-araw sa Barangay Lapidian, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang napaslang na si Ronald Alferez, 29, habang naisugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Alexis Caleza, 32; Mervin Lumimpat,13; Arlyn Lagnasan, 9; at  si Angela Princess Sistoso, 6.

Sa ulat ng Pagadian City PNP, naganap ang insidente bandang alauna ng madaling araw habang  nagsasayawan kaugnay ng Christmas Party ng Women’s Organization sa Barangay Hall ng Lapidian.

Isang armadong lalaki ang bigla na lamang sumulpot sa lugar at bigla na lamang nagpaulan ng bala kung saan nagsipagpanik naman ang mga residente na nagpulasan dahil sa matinding takot.

Hindi naman namuk­haan ng mga residente ang nasabing gunman dahil sa madilim sa ilalim ng puno na pinuwestuhan nito.

Narekober naman ng mga operatiba ng pulisya ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang pa­tuloy ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ALEXIS CALEZA

ANGELA PRINCESS SISTOSO

ARLYN LAGNASAN

BARANGAY HALL

BARANGAY LAPIDIAN

CHRISTMAS PARTY

MERVIN LUMIMPAT

PAGADIAN CITY

RONALD ALFEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with