Mag-asawa, apo natusta sa kuryente
TUGUEGARAO CITY , Philippines - Isang dating barangay kagawad, asawa nitong health worker at ang kanilang 3-anyos anyos na apo ang nalitson matapos masagi ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang napatid na kawad na kuryente sa Brgy. Ilog ng Bolinao, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina dating Kagawad Elmer Odero 55, ang asawa nitong si Jing, 54 at apo nilang si Melyjim na residente ng nasabing lugar.
Sunog na sunog ang bangkay ng mga biktima sa lakas ng boltaheng bumalot sa kanilang katawan matapos silang matumba sa motorsiklo at hindi na nakalayo pa.
Noong nakaraang linggo, isang 16-anyos na totoy ang natusta rin sa harapan mismo ng munisipyo ng Angadanan, Isabela matapos naman nitong hawakan ang isang grounded na poste ng ilaw sa kanilang parke.
- Latest