Kinidnap na Hapones, pinalaya
MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga kidnaper ang 42-anyos na Hapones sa isang lugar sa Cavite, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang pinakawalang bihag na si Hayato Sumi na sinasabing dinukot ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Don Bosco Village, Parañaque City noong Sabado ng gabi. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alauna y medya ng madaling-araw ng palayain si Sumi matapos ang negosasyon sa pagitan ng pamilya nito at ng mga kidnaper. Una nang humingi ng P5 milyong ransom ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa biktima. Gayon pa man, kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng biktima sa mga kidnaper.
- Latest