^

Probinsiya

Kinalasan ng nobya, tumalon mula sa tulay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang depres­yon matapos kalasan ng babaeng minamahal, nagtangkang magpakamatay ng 30-anyos na lalaki nang tumalon ito mula sa mataas na bahagi ng Marcelo Fernan Bridge sa Cebu City, Cebu kamakalawa ng hapon.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nasagip naman ng mga tauhan ng Police Regional Maritime Unit 7 ang biktimang itinago sa pangalang Calixto matapos rumesponde kung saan hirap pang kausapin ng pulisya dahil balisa at sobrang problemado sa buhay.

Bandang alauna ng hapon nang biglang magpanik ang mga tao nang makitang may lalaking umakyat sa Marcelo Fernan Bridge na  may taas na 1,237 metro (4058.40) talampakan na nasa pagitan ng Mactan at Mandaue City sa nasabing lungsod.

Bago ang insidente ay namataang palakadlakad na tila wala sa sariling katinuan ang biktima na bumubulong pa sa sobrang sama ng loob matapos na umano’y iwanan ng babaeng nililiyag.

Nabatid na nakikipagnegosasyon ang mga tauhan ng pulisya kung saan kinu­kumbinsi si Calixto na bumaba sa tulay pero bigla na lamang itong tumalon.

Sinabi sa ulat na lulan ng pumpboat ay pinagtulungang iligtas nina PO3 Rommel Martinez, P03 Ian Batucan at PO1 Joselito Catabas si Calixto na naisugod naman sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

 

vuukle comment

CALIXTO

CAMP CRAME

CEBU CITY

IAN BATUCAN

JOSELITO CATABAS

MANDAUE CITY

MARCELO FERNAN BRIDGE

POLICE REGIONAL MARITIME UNIT

ROMMEL MARTINEZ

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with